^

PSN Palaro

PetroGazz pupuwesto na sa semis vs Air Force

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Pakay ng PetroGazz na maipormalisa ang pag-entar sa semis sa pagharap nito sa mapanganib na Philippine Air Force sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Gazz Anges at Lady Jet Spikers sa alas-6 ng gabi habang target ng nagdedepensang Creamline na mapanatiling malinis ang kanilang record sa pakikipagtipan sa Pacific Town-Army sa alas-4.

Nahulog sa 9-4 marka ang PetroGazz matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan sa kamay ng Creamline at Motolite noong nakaraang linggo.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Gazz Angels para masungkit ang ikatlong semis spot.

Nauna nang umabante sa semis ang Creamline (13-0) at BanKo  (10-5).

Kaya naman aariba ng husto ang Gazz A­ngels upang makaiwas sa mas  kumplikadong sitwasyon.

Hahataw para sa PetroGazz sina Jovielyn Prado, Jeanette Panaga, Cherry Rose Nunag, Jonah Sabete, Paneng Mercado at Cai Nepomuceno-Baloa­loa habang magsasalitan sa setting chores sina Djanel Cheng at Chie Saet.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with