Marcial puntirya ang Finals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ni two-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial na makasungkit ng puwesto sa finals sa men’s middleweight (75 kgs.) class ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginaganap sa Yekate-rinburg, Russia.

Pumasok sa semis si Marcial matapos igupo sina Bryan Angulo ng E­cuador sa first round (5-0 unanimous decision), second seed Tarik Allali ng Morroco sa second round (first-round knockout win), Omurbek Bekzhigit ng Kyrgyzstan third round (5-0 unanimous decision) at Mousavi Seyedshahin ng Iran sa quarterfinals (5-0 unanimous decision).

Makakasagupa ng 2011 AIBA World Youth Championship gold medallist na si Marcial si third seed Kulakhmet Tursynbay ng Kazakhstan sa semifinals na lalaruin Biyernes ng gabi sa Russia.

Si Marcial ang nala­labing pag-asa ng Pilipinas matapos masibak sina Carlo Paalam, Ian Clark Bautista, James Palicte at John Marvin sa kani-kanilang dibisyon.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with