Yee isinalba ang Tigers sa panalo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanatili ang Davao Occidental Tigers sa top spot ng Southern Division matapos payukuin ang Bicol Volcaoes, 88-76 para umangat sa 12-2 kartada sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup sa Angeles University Gym sa Angeles City.

Umani ang beteranong si Mark Yee ng 19 puntos at 10 rebounds para itala ang pinakamaraming double-double performance sa liga sa kabuuang 29 na naging gabay ng Tigers sa asam na muling tumuntong sa national championship.

Sa tulong din nina Bonbon Custodio, Billy Robles, Chester Saldua at Marco Balagtas ay lalong lumaki ang tsansa sa ma-gandang kampanya ng koponan ni Dumper Party- list Rep Claudine Bautista na sinusuportahan din nina Cocolife President Jose Marti Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franze Joie Arsque.

Dahil sa paghataw ng Tigers, bumaba naman ang expansion team Bicol Volcanoes sa 8-8 win-loss record sa Southern group.

“Sipag at tiyaga ang susi ng aming mga panalo of course ang aming depensa,” pahayag ni Yee.

Sa larong iyon, tinanghal si Yee bilang “Best Player of the Game.”

Ikinagalak naman ni Tigers deputy manager Ray Alao ang mainit na pagbabalik ng team sa winning tradition matapos ang dalawang sunod na lone-sided victories kontra GenSan Warriors, 84-75 noong Set­yembre13.  

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with