Humakot ng limang gin­tong medalya si Phi­­lip­pine Swimming League ace tanker Marc Bryan Dula ng Masville Na­tional High School-Pa­rañaque para tanghaling Most Outstanding Swimmer sa boys’ 12-year division.
Chris Co
Dula lumangoy ng 5 golds
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humakot si Philippine Swimming League (PSL) ace tanker Marc Bryan Du­la ng limang gintong me­dalya upang tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) sa 2019 Pampanga Friendship Meet sa San Fernando City.

Nakalikom ang Masville National High School-Pa­rañaque student ng 15 points para masiguro ang MOS award sa boys’ 12-year category.

Unang umariba si Dula sa 100m Individual Medley kung saan nagtala siya ng isang minuto at 9.91 se­gundo para angkinin ang kan­yang unang ginto.

Agad itong sinundan ni Dula ng dalawang gintong medalya mula naman sa 50m butterfly mula sa 29.09 se­gundong naitala at 50m backstroke tangan ang 31.21 segundo pa­ra magarbong isara ang mor­ning session.

Hindi nagpaawat si Du­la sa afternoon session nang makuha pa ang dalawang ginto sa 50m breaststroke sa bilis na 36.36 se­gundo at 50m freestyle sa pamamagitan naman ng 27.28 segundo para makumpleto ang sweep sa lahat ng limang events.

“We are exposing him to different competitions to gauge his skills. It’s totally different competing against new faces that’s why we op­ted to join other tournaments to further improve his times,” ani PSL president Ale­xandre Papa na siyang hu­mahawak sa training program ni Dula.

Naghahanda si Dula para sa iba’t ibang international competitions.

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with