Three points!

Masakit man sabihin ay bugbog sarado ang inabot ng Gilas sa Italy sa FIBA World Cup sa China.

Sa karamihan ng mga tinanong ko, hindi na nga raw nila tinapos ang panonood ng game sa TV.

Masama ang umpisa. Maagang natambakan at hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas.

Minsan sumilip ako at nakakaduling ang score na nakita ko, 100-50. Natapos ang game 108-62.

Lumamang ng mahigit 50 points ang Italy. Mamayang gabi, Serbia ang kalaban natin at sa Wednesday ang Angola.

Mas malakas ang Serbia sa Italy.

Kung didiinan, baka mas malaki pa ang itambak sa atin ng Serbia kesa sa Italy. ‘Wag naman sana.

So, ano ang nangyari?

Nanlamig ang mga outside shooters natin. Mintis ang unang 17 tira sa three-points. Ang Italy? Kahit ano ibato, pumapasok.

Sa kahulihan, 15 three-point shots and pinasok ng Italy.

Tatlo lang ang pinasok natin sa 23 attempts.

Sinabi na ni coach Yeng Guiao na three-point shots ang pag-asa natin kontra sa malalaking players.

Ang problema, mas magaling pa pala sila sa atin.

In short, nganga.

Show comments