Ramirez bagsak kay Casimero sa 10th

MANILA, Philippines — Naitarak ni Johnriel Casimero ang impresibong 10th-round knockout win laban kay Mexican challen-ger Cesar Ramirez upang madepensahan ang World Boxing Organization (WBO) interim bantamweight title nitong Sabado ng gabi sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Kitang pagod na si Casimero sa huling bahagi ng laban.

Ngunit hindi ito ininda ni Casimero. Sa halip, humanap ito ng tamang tiyempo upang maikonekta ang solidong straight kasunod ang matinding right hook para pabagsakin si Ramirez may 2:23 pang nalalabi sa 10th round.

“Game plan namin yung uppercuts and hooks. Kaya ko naman suntok ni Ramirez, nakakapagod nga lang. Saka tinipid ko yung lakas ko,” ani Casimero.

Tila naapektuhan ang katawan ni Casimero na magugunitang hindi nakuha ang tamang timbang sa kanyang unang pagsalang sa weigh-in. May 118.8 pounds ito – lampas sa 118-pound na weight limit.

Kaya naman kung anu-ano na ang ginawa ng Team Casimero para mapababa ang timbang ng Pinoy champion kabilang ang pagsa-sauna at pagpapagupit. Sa huli, naabot ni  Casimero ang eksaktong timbang.

Maganda naman ang simula ni Casimero nang magpakawala ito ng ma-tatalim na kumbinasyon.

Nagawa pang mapatumba ni Casimero si Ramirez sa third round ngunit agad na nakaba-ngon ang Mexcan fighter para makalusot.

Muling umatake si Casimero sa fourth round nang paliguan nito ng suntok si Ramirez.

Subalit matibay ang Mexican fighter.

Umangat ang rekord ni Casimero sa 28-4 tampok ang 19 knockouts.

Dahil sa panalo, nakuha ni Casimero ang karapatang maging mandatory challenger ni South African WBO regular bantamweight champion Zolani Tete.

Show comments