Win No. 8 target ng SBU laban sa CSB

MANILA, Philippines — Asam ng ‘three-peat’ champion San Beda Red Lions ang pang-walong sunod panalo sa pagharap sa St. Benilde Blazers sa Season 95 NCAA men’s bas­ketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 7-0 kartada, tiyak ibubuhos ng Red Lions ang lahat laban sa Blazers ngayong alas-12 ng tanghali.

Matapos ma­bi­go sa San Beda noong Mar­tes ay hangad naman ng Ly­ce­­­um na makabangon sa pag­­­sagupa sa Arellano sa alas-4 ng hapon, habang tar­get ng San Sebastian ang back-to-back win kontra sa Perpetual Help sa alas-2 ng hapon.

Show comments