Maagang inilabas ni Pac­quiao ang bagsik nito ma­tapos pakawalan ang so­lidong right shot dahilan upang bumagsak si Thurman sa first round.
Pacquiao pinakain ang mga sinabi ni Thurman
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pa ring kupas si boxing legend Manny Pa­cquiao matapos iselyo ang split decision win laban kay Keith Thurman para ma­sungkit ang WBA super wel­terweight belt kahapon sa MGM Grand Garden Are­na sa Las Vegas, Neva­da.

Maagang inilabas ni Pac­quiao ang bagsik nito ma­tapos pakawalan ang so­lidong right shot dahilan upang bumagsak si Thurman sa first round.

Nagpatuloy ang mainit na kamada ni Pacquiao hanggang fourth round ngu­nit nagawang maka­balik sa porma ni Thurman sa fifth at sixth round kung sa­an kumunekta siya ng ilang suntok sa Pinoy icon.

Nagbalik ang bagsik ni Pacquiao sa eighth round ga­mit ang foot­work at speed para muling gimbalin si Thurman.

Halos bumagsak pa si Thurman nang paliguan ito ng kaliwa’t kanang suntok ni Pacquiao sa 10th round na nadala nito hanggang sa 12th round para tulu­yang makuha ng Pambansang Kamao ang panalo.

Nakuha ni Pacquiao ang boto ng dalawang jud­ges na parehong nagta­la ng 115-112, habang nakuha ni Thurman ang 114-113 sa ikatlong judge.

Dahil sa tagumpay, ang 40-anyos na si Pacquiao na ang pinakamatandang welterweight champion sa kasaysayan ng boksing.

“It was fun. My opponent is a good fighter and bo­­xer. He was strong. He's a good boxer and he's strong. I was just blessed to­­night,” ani Pacquiao.

Pinuri ni Pacquiao ang magandang inilaro ni Thurman dahilan upang umabot ang laban sa 12 rounds.

Nais na rin kalimutan ng eight-division world cham­pion ang maaanghang na mga salitang binitawan ni Thur­man sa pre-fight na ti­­­nawag nitong bahagi lang ng promotion para maging maingay ang laban.

“I'm not that kind of bo­xer who talks a lot, we were just promoting the fight,” ani Pacquiao.

Nakatakdang bumalik si Pacquiao sa Pilipinas pa­ra makahabol sa State of the Nation Address ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

“I think I will fight next year,” wika ni Pacquiao.

MANNY PA­CQUIAO VS KEITH THURMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with