Cignal nakabalik sa porma

BIÑAN CITY  , Philippines  —  Tinapos ng Cignal ang apat na sunod nilang kamalasan matapos isalya ang Marinerang Pilipina, 25-14, 25-22, 27-25 sa 2019 Phi­lippine Superliga All-Filipino Conference kahapon dito sa Alonte Sports Arena.

Bumandera sina Rachel Anne Daquis at Alohi Robins-Hardy para sa 3-4 kartada ng HD Spikers sa ilalim ng Foton Tornadoes sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa first round.

Humataw si Daquis ng 14 points at 15 digs  habang nagtala si Robins-Hardy ng 8 kills, 4 blocks, 2 aces at 8 excellent sets para sa Cignal.

“We needed this win. We needed a morale-boosting win to get us back on track,” wika ni head coach Edgar Barroga. “We went through a difficult phase when we lost four straight matches.”

Sisimulan ng HD Spi­kers ang second round sa pagharap sa Petron Blaze Spikers sa Huwebes.

Tumapos naman si Judith Abil na may 11 points sa panig ng Marinerang Pilipina, may isang panalo lamang sa first round.

Show comments