Basketball skills ni Jaymalin hahasain sa Canada

Si Liam Jaymalin sa kanyang paglalaro para sa NLEX Road Warriors sa Batang PBA.
PBA Images

MANILA, Philippines — Matapos tulungan ang NLEX Road Warriors na magkampeon sa nakaraang Batang PBA 15-under category, nakatakda namang magsanay si teen sensation Liam Jaymalin sa Canada sa susunod na buwan.

“He’ll study and train in Canada, hopefully for a better career in basketball,” sabi ng kanyang amang si Rjay Jay­malin, isang negosyante sa Vancouver. “Since all of us are already here, including his three siblings who are all Canadian citizens, we decided to bring Liam to study here and at the same time be able to train.”

Malaking papel ang ginampanan ng 14-anyos na si Jaymalin sa kampanya ng NLEX sa Batang PBA.

Siya din ang inasahan ng Road Warriors sa 102-85 pagpapatumba sa karibal na TNT KaTropang Texters sa cham­pionship game.

Nakatakdang magtungo ang 5-foot-7 na si Jaymalin, naglaro para sa La Salle Antipolo basketball team, sa Vancouver sa Hulyo 3.

Nakapag-enrol na siya at inaasahang mapapasama sa basketball squad ng St. Patrick Regional Secondary School bilang Grade 9 student.

“Here, as parents, we’ll be able to guide him and see his progress as a basketball player. Our hope is if he returns to our country, he’ll comeback as a better player,” wika ni Rjay Jaymalin, naglaro ng college ball para sa Mapua at Jose Rizal University sa NCAA.

Nagsimula ang basketball career ng batang Jaymalin sa edad na tatlong taon at sumali sa mga training camps, kasama ang National Basketball Training Center (NBTC), Jr. NBA at Alaska Power Camp.

Show comments