PSC titiyakin ang tagumpay sa 30th SEAG
(Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang ibang hangad ang Philippine Sports Commission kundi ang matulu­ngan ang national delegation sa paghahari sa 30th Southeast Asian Games.

Nagdaos ang Team Philippines secretariat ng consultation meeting sa hanay ng mga National Sports Associations (NSAs)  bilang paghahanda sa 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“We have to cover a lot of ground and we are hear­tened by the cooperation of everyone,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa 11 NSAs.

Huling hinirang na overall champion ng nasabing biennial event ang Pilipinas noong 2005 na idinaos sa bansa.

Hinati-hati ni Ramirez kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Celia Kiram at Charles Maxey ang mga NSAs.

Kinonsulta ni Fernandez ang mga asosasyon ng boxing, pencak silat, wrestling, skateboarding, sambo, muaythai, wushu, judo, karatedo at arnis, habang hindi naman nakadalo ang tatlong NSAs.

“Just be open and let us know what you need,” wika ni Fernandez sa kanyang mga hawak na sports associations.

Nangako si Ramirez na susuportahan ang mga NSAs na kasali sa 2019 SEA Games.

Pinahalagahan ng mga sports associations ang pagkakaroon ng kanilang mga atleta ng foreign trai­ning plays.

Pinuri naman ni Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Rol­ler Sports Association of the Philippines, ang solidong suporta ng PSC kasama ang delegation secretariat sa kanilang mga requests.

WILLIAM ‘BUTCH’ RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with