Sisi Rondina at Bernadeth Pons
Rondina-Pons mapapalaban sa FIVB World Beach Volley
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang Pinoy beach volley stars sa pagpalo ng prestihiyosong FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open na aarangkada bukas sa White House Beach Station 1 sa Boracay Island.

Babanderahan nina Philippine Superliga beach volley champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang ratsada ng Pilipinas sa women’s division.

Papalo rin sina Dij  Rodri­guez at Bea Tan, Jackie Estoquia at DM Demontaño, at Fiola Ceballos at Patty Orendain sa main draw.

Sasailalim sa qualifying round sina Babylove Barbon at Gen Eslapor.

Hahataw naman sa men’s division sina Philippine Air Force bets Ranran Abdilla at Jesse Lopez gayundin sina collegiate standouts James Buytrago at Krung Arbasto at Mike Abria at Jade Becaldo.

Ang koponan ng Japan at Thailand ang pinakama­lakas na pares na sasabak sa torneo.

Isasabak ng Japan sina Satono Ishitsubo at Asami Shiba na naka-tanso sa  Cambodia Beach Volley tournament noong nakaraang buwan. 

Pasok din sa main draw sina Sakurako Fujii at Minori Kumada, at 2006 Doha Asian Games silver medalist Shinako Tanaka at Miyuki Matsumura.   

BERNADETH PONS FIVB BEACH VOLLEYBALL WORLD TOUR BORACAY OPEN SISI RONDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with