Sexton: Kai puwede sa NBA
Andrew Dimasalang (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Naniniwala si Cleveland Cavaliers guard Collin Sexton na malaki ang tsansa ng Filipino sensation na si Kai Sotto na matupad ang kanyang pangarap na MANILA, Philippines — makapasok sa National Basketball Association (NBA).

Nakasama kasi nang personal ni Sexton si Sotto sa isang pagsasanay sa Emory Sports Medicine Complex na siyang training facility ng Atlanta Hawks.

Ito ay dahil nasa patnubay ni Nick Stapleton si Sotto na nagkataon ding personal trainer ni Sexton sa NBA.

“I worked out with Kai just last Saturday. We just got up and down, chopped it up, and worked out toge­ther. That’s my guy,” anang 2018 8th overall draft pick na si Sexton sa isang media presser dito sa Pilipinas.

“I feel like he can make it to the NBA. He’s seven feet, he’s a great player and can shoot it.”

Nasa Atlanta, Georgia mula pa noong Abril ang 16-anyos na si Sotto para sa dalawang buwang pagsasanay na bahagi ng kanyang misyon na makapasok sa NBA sa 2021 o sa 2022.

Ang 20-anyos na Alabama standout na si Sexton ay nasa bansa naman kasama si WNBA legend Ticha Penichiero para  turuan ang mga batang Pinoy sa 2019 Jr. NBA program dito sa Pilipinas.

“I feel like this can make a big difference in a kid’s life just for to me come in and just talk to them, tell them they can be anything they want. I know it can go a long way,” ani Sexton.

“I take pride in coming here and speaking with the kids. I put myself in their shoes and I know how much it felt just to have that one person you can ask any question to growing up. It was great,” dagdag pa ni Sexton.

Bago ang Jr. NBA, na­nood din si Sexton ng umaatikabong Game 7 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa pagitan ng kampeon na San Miguel Beer at Magnolia nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

COLLIN SEXTON NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with