Davao Occ. humirit ng rubber match
Laro Bukas(Rizal Memorial College Gym, Davao City)
7 p.m. Davao Occ.vs San Juan Knights
MANILA, Philippines — Humirit pa ang Davao Occidental Tigers ng winner-take-all match matapos lapain ang San Juan Knights, 77-66 sa Game 4 ng best-of-five National Finals series kahapon sa 2019 MPBL Datu Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Pinangunahan ni Billy Ray Robles ang hataw ng Tigers sa kanyang 12 puntos sa kabuuang 22 sa huling yugto upang itala ang kanilang come-from-behind na panalo at itabla ang serye sa 2-2 bago bumalik ang laban sa kanilang teritoryo bukas.
Naiwanan ng sampung puntos ang Tigers, 47-57 mahigit 8:44 ang nalalabi sa fourth quarter, umarangkada sina Robles at Leo Najorda para buhayin ang asam ng Davao na angkinin ang titulo sa kauna-unahang national finals ng home-and-away league.
Samantala, itinanghal si Gab Banal ng Bacoor Strikers bilang MVP sa ikalawang conference ng MPBL.
- Latest