^

PSN Palaro

Celtics sinibak na ang Pacers

Pilipino Star Ngayon
Celtics sinibak na ang Pacers
Humataw si Gordon Hayward ng 20 points habang may 18 mar­kers si Marcus Morris at nagsalpak ang dala­wa ng pinagsamang limang triples sa huling limang minuto ng laro para sa 4-0 pagtiklop ng Boston sa kanilang serye ng Indiana

INDIANAPOLIS --Tulu­yan nang winalis ng Boston Celtics ang Indiana Pacers mula sa kanilang 110-106 panalo sa Game Four ng kanilang first-round series.

Humataw si Gordon Hayward ng 20 points  habang may 18 mar­kers si Marcus Morris at nagsalpak ang dala­wa ng pinagsamang limang triples sa huling limang minuto ng laro para sa 4-0 pagtiklop ng Boston sa kanilang serye ng Indiana.

Matapos ang Pacers ay posibleng makaharap ng Celtics sa second round ang Milwaukee Bucks.

Sa Los Angeles, nagpasabog si Kevin Durant ng 33 points habang may 32 markers si Klay Thompson para sa 113-105 paggiba ng Golden State Warriors sa Clippers sa Game Four at ilista ang 3-1 abante sa kanilang first-round playoff series.

Tumapos naman si Stephen Curry na may 12 points para sa Warriors.

Sa Oklahoma City, i­niskor ni Damian Lillard ang 15 sa kanyang 24 points sa third quarter at pinatahimik ng Portland Trail Blazers si Russell Westbrook sa se­cond half para patumbahin ang Thunder, 111-98 at ilista ang 3-1 bentahe sa kanilang serye.

Sa Orlando, nagpasabog si Kawhi Leonard ng 34 points para ihatid ang Toronto Raptors sa 107-85 pagdaig sa Magic sa Game Four at kunin ang 3-1 lead sa kanilang serye.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with