Undefeated
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

Tila siniseryoso ng panganay na anak ni Manny Pacquiao ang boxing.

Mukhang may balak si Jimuel.

Sa dalawang laban, unofficial nga lang, ay wala pa siyang talo. Isang draw at isang TKO.

Noong February unang sumabak si Jimuel sa sparring-type na laban. Guided naman ng mga pro.

Maagang nagpasiklab si Jimuel sa kanyang debut. Tumba ang kalaban. Pero nakabawi ito at naka-draw.

Nung Sabado, sumampa ulit sa ring si Jimuel. Hindi nga lang boxing ring pero pang MMA.

Miguel Egan ang pangalan ng kalaban.

May video na lumabas. Medyo madilim. Pero aninag mo ang kilos ni Jimuel. Bigay todo. Medyo gigil.

Tumumba ang kalaban sa second round. At ba­gama’t nakatayo, tinigil ng referee ang laban.

Panalo si Jimuel. Hap­py si Daddy.

Madalas mag-post ng video si Pacquiao lately na tinuturuan si Jimuel mag-boxing, maging sa gym o sa sala ng kanilang mansion.

May konting hawig naman ang kilos ni Jimuel kay Pacman. Kaya nga lang eh kanan ito.

Dahan-dahan natututo. Gumaganda ang kilos. Marunong na tumapon ng suntok.

Pero gaya ng nasabi na­tin dati, madami pang bigas na kakainin si Ji­muel.

Hindi biro ang boxing.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with