^

PSN Palaro

Philippines 3x3 teams sasabak na sa World Tour Masters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Balanga 1Bataan Risers at Pasig Grindhouse Kings ang kampanya nito ngayong araw sa pagsisimula ng 2019 FIBA 3x3 World Tour Masters Doha sa Katara Ampitheater sa Doha, Qatar.

Unang sasalang ang 1Bataan Risers na babanderahan nina Alvin Pasaol, Karl Dehesa, Santi Santillan at American Travis Franklin.

Nasa Pool C ang Bataan kasama ang world No. 3 Riga Ghetto ng Latvia at No. 14 Moscow Inanomo ng Russia.

Sasagupain ng 1Bataan Risers ang Ghetto sa alas-4:50 ng hapon (9:50 ng gabi sa Maynila) at ang Moscow Inanomo sa alas-6:35 ng gabi (11:35 ng gabi sa Maynila) .

Pasok sa Pool A ang Pasig Grindhouse Kings na binubuo nina Joshua Munzon, Taylor Statham, Serbian player Nikola Pavlovic at French import Angelo Tsagarakis.

Kasama ng Pasig sa grupo ang world No. 1 Liman ng Serbia at Katara ng Qatar.

Nakatakdang makipagtuos ang Grindhouse Kings sa Qatar-Katara sa alas-5:50 ng hapon (10:50 ng gabi sa Maynila) kasunod ang Serbia-Liman sa alas-7:25 ng gabi (12:25 ng Biyernes madaling araw sa Maynila).

Ang iba pang koponan ay ang Novi Sad, Piran at Ljubljana ng Slovenia, Tokyo Dime ng Japan, Mount-Royal ng Canada at Doha ng host country.

Nakapasok sa World Tour Masters ang Pasig matapos magkampeon sa 2019 Chooks to Go Pilipinas 3x3 President’s Cup habang nakahirit ng tiket ang Bataan nang masungkit nito ang runner-up trophy sa 2019 Chooks to Go Asia-Pacific Super Quest. 

vuukle comment

WORLD TOUR MASTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with