Naka-2 na ang ROS
Dinipensahan ni Norbert Torres ng Rain or Shine si Paul Lee ng Magnolia.
Jun Mendoza

Naka-2 na ang ROS

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mga role players ng Rain or Shine ang nagpasikat para kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals series ng Magnolia.

Nagtuwang sina big man Norbert Torres, wingman Ed Daquioag at guard Kris Rosales para tulungan ang Elasto Painters na patumbahin ang Hotshots, 93-80 sa Game Two ng kanilang semis showdown sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang pinabagsak ng Rain or Shine, ang No. 2 team sa elimination round, ang Magnolia sa Game One, 84-77 noong Biyernes.

Nagpaulan ng siyam na three-point shots ang Elasto Painters, kasama rito ang perpektong 4-of-4 shooting ni Torres, para magposte ng 43-29 abante sa huling tatlong minuto ng second period.

Nakadikit ang Hotshots sa pagsasara ng first quarter, 18-19 bago naiwanan sa sumunod na yugto.

Mula sa nasabing 14-point deficit ay nakalapit ang Magnolia sa pagsisimula ng third canto, 43-50 mula sa jumper ni Paul Lee. Ngunit hindi bumitaw ang Rain or Shine at muling nakalayo sa 70-55 galing sa triple ni two-time PBA MVP James Yap sa huling 1:28 minuto nito.

Lalo pang ibinaon ng Elasto Painters ang Hotshots matapos itayo ang 23-point advantage, 73-50 buhat sa tres ni Yap sa 9:29 minuto ng fourth quarter.

Samantala, pupuntir­yahin naman ng nagdedepensang San Miguel na maiposte ang malaking 2-0 bentahe sa kanilang serye ng Phoenix sa Game Two ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pinatumba ng Beermen ang Fuel Masters sa Game One, 100-88 tam­pok ang 26 points, 7 assists, 5 rebounds at 3 steals ni veteran guard Alex Cabagnot.

MAGNOLIA RAIN OR SHINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with