Nagsalpak ang Brooklyn (40-40) ng 19 three-pointers at may walong players na tumapos sa double figures.
AP
Nets pinatibay ang kapit sa No. 6
(Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE -- Kumo­lekta si guard D’Angelo Russell ng 25 points at 10 assists para banderahan ang Brooklyn Nets sa 133-128 paggupo sa Bucks at pagandahin ang kanilang estado sa Eastern Confe­rence playoff race.

Nagsalpak ang Brooklyn (40-40) ng 19 three-pointers at may walong players na tumapos sa double figures.

Nagdagdag si Caris LeVert ng 24 points kasunod ang 16 markers ni Jared Dudley.

Umakyat ang Nets, nauna nang naisuko ang apat sa nakaraang limang laro, sa sixth place sa East kasunod ang Orlando Ma­gic (40-40) at Detroit Pistons (39-40).

Naglaro naman ang Milwaukee na wala si MVP candidate Giannis Anteto­kounmpo na may left calf injury.

Nauna nang inangkin ng Bucks (59-21) ang NBA best record mula sa kanilang road victory laban sa Philadelphia 76ers noong Huwebes.

Tumipa si Eric Bledsoe ng 33 points at 11 assists para sa Milwaukee, nakahugot kay Khris Middleton ng 24 points.

Sa Chicago, nagtala si Joel Embiid ng 20 points, 10 rebounds, 5 assists at 3 blocks para igiya ang 76ers sa 116-96 panalo sa Bulls.

Hindi naglaro sa ikalawang sunod na pagkaka­taon si injured guard Jimmy Butler para sa Philadelphia, inungusan ang Boston Celtics para sa No. 3 seed sa Eastern Conference.

Pinamunuan naman ni JaKarr Sampson ang Chicago sa kanyang career-high na 29 points.

BROOKLYN NETS D’ANGELO RUSSELL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with