^

PSN Palaro

Ginebra sa quarterfinals na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ginebra sa quarterfinals na
Nailusot ni Japeth Aguilar ng Ginebra ang kanyang tira laban kay JP Erram ng NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nilasing ng Barangay Ginebra ang NLEX sa pamamagitan ng 105-96 come-from-behind win upang masungkit ang quarterfinals slot sa PBA Season 44 Philippine Cup na dumayo kahapon sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.

Apat na miyembro ng Ginebra ang nagtala ng double-digits sa pangu­nguna ni Japeth Aguilar na kumana ng 27 puntos mula sa 10-of-18 shooting clip para banderahan ang Gin Kings sa pag-abante sa 6-3 marka.

Lumakas din ang tsansa ng Ginebra na makuha ang twice-to-beat card lalo na kung maipapanalo nito ang kanilang huling dalawang laro.

Nagdagdag naman si LA Tenorio ng 17 markers, apat na assists at tatlong boards habang may 14 puntos, walong rebounds at walong assists si Scottie Thompson.

Bumagsak sa 4-6 ang Road Warriors.

Nagawang maitarak ng NLEX ang 18 puntos na kalamangan sa first half ngunit unti-unti itong tinapyas ng Ginebra sa pangunguna nina Aguilar, Tenorio, Thompson at Slaughter para makuha ang panalo.

Samantala, magpapatuloy ang aksyon nga­yong hapon tampok ang bakbakan ng Talk ’N Text at Northport sa alas-4:30 sa Smart Araneta Coliseum.

Target ng Katropa na makuha ang ikawalong panalo upang mapalakas ang tsansa nito sa twice-to-beat card sa quarterfinals.

Kung mananalo ang TNT sa Northport, sasaluhan nito sa ikalawang puwesto ang Rain or Shine na nagtataglay ng 8-3 marka.

Magtatagpo naman sa alas-7 ng gabi ang San Miguel Beer (6-4) at Alaska (4-5).

 

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with