Hinatawan ni Rysabele Devanadera ng PLDT Home sina Franya Musa at Rachele Anne Daquis ng Cignal HD sa aksyong ito sa PSL Grand Prix.
Joey Mendoza
2-sunod sa F2 Logistics; Cignal wagi rin
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Laro Bukas (Bacoor Strike Gym)

2 p.m. Cignal vs Sta. Lucia

4:15 p.m.  PLDT vs Generika-Ayala

6 p.m. Foton vs Petron

MANILA, Philippines — Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang  F2 Logistics at winalis  ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-21, 25-19, 25-19 upang masungkit ang ikalawang sunod na panalo habang humataw din sina import Erica Wilson at My­lene Paat para iangat ang Cignal HD sa straight-set na panalo kontra sa PLDT Home Fibr, 25-22, 27-25, 25-19, kahapon sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Center.

Pinangunahan ni Wilson ang HD Spikers sa kanyang 21 puntos kabilang na ang 15 atake, limang aces at isang block habang si Paat ay tumulong din ng 19 puntos, 12 nito mula sa atake na may kasamang limang blocks at dalawang aces para sa unang panalo ng HD Spi­kers sa dalawang laro.

“We adjusted Ana Artemeva‘s position. At first she was hesitant, but she was very professional and did her best and followed my instructions,” sabi ni  Cignal head coach Edgar Barroga na tukoy ang paglipat sa kanyang Azerbaijan import sa middle spot para maluwag si Paat sa opposite side.

Mula sa 7-11 deficit sa ikatlong set humataw ang HD Spikers  ng 6-0 run para agawin ang abante, 13-11 at mula roon hindi na nila binitiwan pa ang bentahe.

Sa ikalawang laro, umani ng 14 puntos si Ara Galang, siyam mula sa atake, apat na blocks at isang ace habang si Abby Maraño ay tumulong ng walong puntos kabilang na ang anim na atake, isang ace at isang block para sa ikalawang sunod na panalo ng F2 Logistics.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with