San Miguel mas matikas sa Alaska
Andrew Dimasalang (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wagi ang San Miguel Beer kontra sa karibal na Alaska, 96-83 sa klasikong dwelo sa pagitan ng dalawang grandslam teams sa Philippine Basketball Association (PBA) Legends Game na pinamagatang “Return of the Rivals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Wala pa ring kupas si ‘The Triggerman’ Allan Caidic nang bumulusok sa limang tres tungo sa 21 puntos sa second half kung saan lumayo ang Beermen.

Tabla pa sa 78–all sa huling 5 minuto, giniyahan ni Caidic ang 13-1 birada ng SMB na tinuldukan ng back-to-back 3s ni Caidic para sa malaking 91-79 abante sa huling dalawang minuto.

Sapat na ito para sa 1989 grandslam team na Beermen na inalagaan na lang ang kalamangan tungo sa tagumpay.

Nagkasya lamang sa limang puntos sa first half, tumapos ang 1990 PBA Most Valuable Player na sj Caidic sa 26 puntos sa 6-of-14 shooting mula sa arko upang pangunahan ang SMB.

Nagdagdag din ng 17 puntos, apat na rebounds at apat na assists si Denok  Miranda para sa Beermen.

Samantala, nauwi naman sa wala ang 20 at 11 puntos ng dati ring mga MVPs na sina Willie Miller at Johnny Abarrientos para sa Milkmen na nagwagi ng grandslam noong 1996.

Inorganisa ng PBA Legends Foundation katuwang ang PBA at UNTV, ang larong ito ay isang charity event para sa mga retiradong manlalaro ng PBA na kailangan ng medikal na atensyon.

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with