_ngayon
^
Lady Tams, Lady Bulldogs magkakasubukan agad    (FCagape)
Si Jerilli Malabanan sa isang laro ng FEU Lady Tamaraws sa UAAP.

Lady Tams, Lady Bulldogs magkakasubukan agad (FCagape)

Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Haharapin ng runner-up noong  nakaraang taon Far Eastern University ang fourth placer National University ngayon sa pagbubukas ng UAAP Season 81 volleyball tournamant sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Lady Tamaraws at Lady Bulldogs sa main game sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng  laban ng University of  the East Lady Red Warriors at University of the Philippines Lady Maroons sa alas-2 ng hapon.

Uumpisahan naman ng NU Bulldogs ang pag-depensa sa korona sa pakikipagtuos kontra sa FEU Tamaraws sa alas-10 ng umaga habang maghaharap din ang UE Red Warriors at UP Fighting Maroons sa alas-8 ng umaga sa men’s competition.

“Maganda ang nangyari ng makapasok kami sa finals last year. It was our first after 10 years. The experiences  na gusto namin at that point, mala­king bagay ‘yun para sa aming kampanya this season,” sabi ni FEU head coach George Pascua.

Matatatandaang mula  2008 muling pumasok sa Finals ang Lady Tamaraws noong nakaraang taon ngunit winalis naman sila ng three-peat champion   La Salle Lady Archers, 2-0 sa best-of-three  series.

Sa pagkawala nina  Ber­nadeth Pons, libero Kyla Atienza at Chin-Chin Basas dahil sa injury, sasandal si Pascua kina Jerili Malabanan, Celine Domingo, Heather Guino-o, Kyle Negrito, libero Bu­ding Duremdes, Angeli Cayuna, Czarina Carandang at mga baguhan na sina Lycha Ebon, Elize Ronquillo at Lyka Bautista.

Ipaparada naman ng bagong head coach ng Lady Bulldogs na si Norman  Miguel ang mga baguhan ngunit galing sa  4-peat high school champion team ng NU dahil sa pagkawala nina Jaja Santiago, Aiko Urdas, libero Gayle Valdez, Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at Risa Sato.

Pangungunahan nina high school three-time best setter Joyme Cagande, Ivy Lacsina, Princess Robles at libero Jennifer Nierva kasama ang mga beteranong sina Roselyn Doria, Audrey Paran at Jonni Chavez ang kampanya ng Lady Bulldogs.

LADY BULLDOGS LADY TAMARAWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with