Sumailalim na ang 6-foot-7 na si Rosario sa isang surgery at posibleng hindi na makapaglaro sa pagsabak ng Nationals sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.
facebook.com/TNTKaTropaOFC
Rosario out na sa Team Phl
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkabasag ng kanyang ilong sa tune-up game ng TNT Katropa at NLEX ay nawala kay power forward Troy Rosario ang pagkakataong mu­ling maisuot ang uniporme ng Team Pilipinas.

Sumailalim na ang 6-foot-7 na si Rosario sa isang surgery at posibleng hindi na makapaglaro sa pagsabak ng Nationals sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

“Matagal-tagal din ‘yung healing kasi nabasag talaga ‘yung buto sa ilong ko,” sabi ng four-year big man ng Tropang Texters. “Kaya sinabi sa akin ng duktor na huwag kong madaliin kasi once na matamaan ulit ito, ganoon na naman.”

Naisumite na ni national head coach Yeng Guiao ang 15-man line-up ng Team Pilipinas sa SBP para sa sixth at final window ng Asian Qualifiers sa Pebrero.

Kasama sa listahan si NBA veteran at naturalized center Andray Blatche, naisilbi ang kanyang three-game suspension sa rambulan ng Gilas Pilipinas at Australia noong Hulyo sa fourth window sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Hindi kinuha ang ser­bis­yo ni Blatche, yumukod ang Team Pilipinas sa Kazakhstan, 88-92 at natalo naman sa Iran, 70-78 na naghulog sa kanilang baraha sa 5-5 sa Group F.

Para makatiyak ng tiket sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China ay kailangang manalo ang Team Pilipinas laban sa Qatar sa Doha sa Peb. 21 at kontra sa Kazakhstan sa Almaty sa Peb. 24.

TROY ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with