Pormal nang ipinakilala ni team governor Robert Non sa tropa sina Terrence Romeo at Jimmy Alapag sa kanilang practice kahapon sa Acropolis Gym.
Romeo mainit na sinalubong Alapag tumawid sa SMB
Andrew Dimasalang (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy sa paglakas ang reigning champion na San Miguel hindi lamang sa mga manlalaro kundi na rin pati sa coaching staff nito.

 

Ito ay matapos idagdag ng Beermen ang alamat na si  Jimmy Alapag sa coahing staff nito para sa misyong masungkit ang ikalimang sunod na titulo sa papalapit na Philippine Cup ng 44th Philippine Basketball Association (PBA) season.

Ipinakilala na kahapon ni team governor Robert Non sa pagsasanay ng Beermen sa Acropolis Gym ang 41–anyos na si Alapag bilang pinakabagong dagdag na assistant coach ni chief mentor Leo Austria.

Naging posible ito dahil si Alapag ang coach ng Alab Pilipinas na sinusuportahan ng San Miguel sa Asean Basketball League kahit pa kilala ito bilang dating franchise player ng karibal na MVP group.

Magugunitang si Alapag ang kilalang kapitan ng Gilas Pilipinas na umukit ng kasaysayan noong 2014 nang mabitbit sa International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa Spain ang Nationals.

Matapos mapili bilang 10th overall pick noong 2003 PBA Draft ay umukit siya ng pangalan bilang TNT kung saan siya nagkampeon nang anim na beses, naging Most Va­luable Player noong 2011 at nagkamit ng ilang All Star at Mythical Selections.

Miyembro ng 40 Grea­test PBA Players, nagretiro siya noong 2015 subalit bumalik ulit sa PBA upang maglaro at maging team consultant ng Meralco bago kunin ng Alab bilang head coach nito noong 2017.

Pormal na ring ipinakilala ng SMB ang bagong manlalaro na si Terrence Romeo kahapon.

Matatandaang nakuha ng SMB si Romeo noong nakaraang buwan mula sa karibal na Talk ‘N Text kapalit sina David Semerad, Brian Heruela at future draft picks.

JIMMY ALAPAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with