^

PSN Palaro

Lady Stags, Lady Blazers sosyo sa No. 3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Stags, Lady Blazers sosyo sa No. 3
Tinuhog ng San Sebastian ang 25-22, 25-16, 25-22 panalo laban sa Colegio de San Juan de Letran kung saan nagpako si Iris Oliveros ng 10 puntos tampok ang tatlong blocks para pamunuan ang kanilang tropa na makuha ag ikatlong panalo.
File Photo

MANILA, Philippines — Pinayuko ng San Sebastian College-Recoletos at College of Saint Benilde ang kani-kanilang karibal upang pagsaluhan ang No. 3 spot sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tinuhog ng San Sebastian ang 25-22, 25-16, 25-22 panalo laban sa Colegio de San Juan de Letran kung saan nagpako si Iris Oliveros ng 10 puntos tampok ang tatlong blocks para pamunuan ang kanilang tropa na makuha ag ikatlong panalo.

Nagdagdag naman ng tig-walong puntos sina team captain Joyce Sta. Rita, Nikka Dalisay, Shannai Requierme at Maryrhose Dapol para sa balanseng atake ng Lady Stags.

Mabilis namang iginupo ng Benilde ang Emilio Aguinaldo College sa bendisyon ng 25-11, 25-20, 25-13 pananaig para saluhan ang San Sebastian sa ikatlong puwesto.

Umiskor si Klarisa Abriam ng 14 puntos samantalang nagdagdag si Rachel Anne Austero ng siyam na hits at walo ga­ling kay Jan Arianne Daguil para sa Lady Blazers na nangailangan lamang ng 52 minuto para patumbahin ang Lady Generals.

Parehong may 3-1 marka ang Lady Stags at Lady Blazers upang manatiling nakadikit sa nangungunang Arellano University at San Beda University na may magkatulad na 4-0 baraha.

Nahulog sa 1-3 ang Lady Knights samantalang wala pang panalo ang Lady Generals sa apat na pagsalang.

Sa men’s division, wagi rin ang San Sebastian sa Letran sa pamamagitan ng 13-25, 25-14, 25-19, 25-19 panalo para umangat sa 2-2 baraha.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with