^

PSN Palaro

Quinto, Lao excited na sa PBA Rookie Draft

Pilipino Star Ngayon
Quinto, Lao excited na sa PBA Rookie Draft

MANILA, Philippines — Walang ibang pagsid­lan ng kasabikan sina Bong Quinto at Kyles Lao sa kanilang pagsalang sa 2018 PBA Rookie Draft.

Sinabi ni Quinto, iginiya ang Letran Knights sa Final Four ng nakaraang NCAA season 94, na pangarap niyang makapaglaro sa PBA at makasabayan ang kanyang mga iniidolong players.

“Simula nung bata pa lang ako at pumasok ako ng Letran, ‘yun na ang pangarap ko, na talagang makapasok sa PBA,” ani Quinto kahapon. “Lahat ng paghihirap ko, bukas hanggang Sunday, malalaman mo kung worth it ba. Hindi natin alam ang mangyayari doon pero sobrang excited na ako.”

Hindi rin maitago ni Lao, ang UAAP Rookie of the Year mula sa UP Figh­ting Maroons, ang kanyang pagkasabik na matupad ang kanyang pangarap.

Bumisita ang dalawa sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Tapa King Restaurant sa Farmer’s Plaza sa Cubao.

Sasabak ang dalawa sa two-day PBA Draft Combine sa Gatorade Hoops Center ngayong araw para sa anthropomorphic tests at bukas para sa isang single-day tournament.

vuukle comment

2018 PBA ROOKIE DRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with