^

PSN Palaro

Blaze Spikers, Cargo Movers seselyuhan ang Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers, Cargo Movers seselyuhan ang Finals

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang Petron at F2 Logistics na maiselyo ang championship showdown sa paglarga ng Philippine Superliga All-Filipino Conference semifinals ngayong araw sa Muntinlupa Sports Center.

Haharapin ng Blaze Spikers ang Cignal sa alas-7 ng gabi samantalang magtutuos ang Cargo Mo­vers at Generika-Ayala sa alas-4:15 ng hapon.

Parehong may hawak na twice-to-beat ang Petron at F2 Logistics dahil sa kanilang 10-0 at 8-2 rekord sa eliminasyon, ayon sa pagkakasunod.

Umabante sa semis ang Petron nang mabilis nitong pataubin ang Sta. Lucia Realty, 25-12, 25-14, 25-16 habang namayani naman ang F2 Logistics sa Cocolife, 25-12, 25-22, 25-20 sa kani-kanilang quar­terfinal matches.

Subalit asahan ang matinding pukpukan sa semis.

Matikas ang inilalaro ng Lifesavers.

Sa katunayan, ginulantang nito ang Cargo Movers sa eliminasyon sa iskor na 19-25, 25-22, 25-16, 28-26.

 Handa rin ang HD Spi­kers na pigilan ang ratsada ng Blaze Spikers na magtatangkang ma-sweep ang buong kumperensiya.

Galing ang Cignal sa 26-28, 25-19, 25-19, 25-18 panalo laban sa Foton sa quarterfinals.

Lalapit naman sa finals ng Collegiate Grand Slam ang University of Santo Tomas na makakasagupa ang University of the East sa unang laro sa alas-2.  

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with