^

PSN Palaro

Ika-12 tangka ng Ateneo; La Salle ikakasa ang semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ika-12 tangka ng Ateneo; La Salle ikakasa ang semis
Tangan ang 11-2 win-loss kartada, haharapin ng Blue Eagles ang wala ng pag-asang University of SantoTomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon at sa ibang laro, kailangan ng De La Salle Green Archers na mananalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang laban sa alas-4 ng hapon upang masiguro na ang pagpasok sa Final Four.
Jun Mendoza/File

Laro Ngayon(MOA, Pasay City)

2 p.m.  ADMU vs  UST (M)

4 p.m. UP  vs  DLSU  (M)

MANILA, Philippines — Target ng nag­dede­pensang Ateneo  ang pang-12th panalo sa pagharap laban sa UST  habang ha­ngad  naman ng  La Salle  ang ikatlong semifinal berth kontra sa UP ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s  basketball tournament  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang 11-2 win-loss kartada, haharapin ng Blue Eagles ang wala ng pag-asang University of SantoTomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon at sa ibang laro, kailangan ng De La Salle Green Archers na mananalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang laban sa alas-4 ng hapon upang masiguro na ang pagpasok sa Final Four.

Tanging ang nangungunang Blue Eagles (11-2) at pumapangalawang Adamson Soaring Falcons(10-3) pa lamang ang pumasok sa semifinal round at nasa kanilang kamay na rin ang dalawang twice-to-beat advantage sa Final Four bilang top two seeded teams.

Pag-aagawan ng Green Archers (8-5), FEU Tamaraws (7-6) at UP Fighting Maroons (7-6) ang huling dalawang semifinal berth.

Kung magwawagi ang La  Salle  laban sa UP ma­kukuha na ng Taft-based team ang ikatlong semis berth pero hindi pa ganap na magwawakas ang pag-asa ng Fighting Maroons dahil kung matatalo naman ang Tamaraws sa Adamson  Falcons sa Linggo, magkaroon pa ng two-way tie sa huling slot ng Final Four sa parehong 7-7 card.

Kung magtatabla sa No. 4 spot ang UP at FEU  sa posibleng 7-7 card, ma­laki ang bentahe ng Tams dahil tinalo nila ang Figh­ting Maroons ng mahigit 16 puntos, 89-73 sa first round ng elimination, bago bumawi ang UP sa second  round, 95-82.

Ngunit kung sakaling mananalo ang UP sa DLSU ngayon, pareho silang mananatili sa Final Four sa parehong 8-6 slate at kung matatalo ang FEU sa A­damson sa Linggo kum­pleto na ang semis cast.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with