^

PSN Palaro

Pelicans kinaldag ang Raptors

Pilipino Star Ngayon
Pelicans kinaldag ang Raptors
Tinapos ng New Orleans ang sinasakyang six-game winning streak ng Toronto.
AP

TORONTO — Nagpa­sabog si Anthony Davis ng 25 points at nagtala ng season-high na 20 rebounds habang umiskor si E'Twaun Moore ng season-high na  30 points para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa 126-110 panalo laban sa Raptors.

Tinapos ng New Orleans ang sinasakyang six-game winning streak ng Toronto.

Nagdagdag si Jrue Ho­liday ng 29 points at dinuplikahan ang season high na 14 assists, samantalang kumolekta si Julius Randle ng 17 points at 12 rebounds para sa ikatlong sunod na ratsada ng Pelicans matapos mahulog sa six-game losing skid.

Pinamunuan naman ni Pascal Siakam ang Raptors mula sa kanyang 22 points kasunod ang 20 markers ni Kawhi Leonard.

Dinomina ng Pelicans ang Raptors sa shaded lane, 72-42 para wakasan ang kanilang six-game lo­sing slump sa huli.

Sa Sacramento, nagsalpak si Iman Shumpert ng panablang jumper sa huling 4:05 minuto ng fourth period kasunod ang dalawang three-point shots nina De'Aaron Fox at Nemanja Bjelica para igiya ang Kings sa 104-99 pagdaig sa bisitang San Antonio Spurs.

Sa Chicago, kumamada si Harrison Barnes ng season-high na 23 points para banderahan ang Dallas Mavericks sa 103-98 pananaig laban sa Bulls.

Nagtala lamang si prized rookie Luka Doncic ng 11  mula sa mahinang 3-of-12 fieldgoal shooting para sa ikatlong panalo ng Dallas sa huli nilang apat na laro. 

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with