^

PSN Palaro

Tinapos na ng aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tinapos na ng aces
Tuluyan nang inangkin ng Alaska ang ikatlong semifinals berth matapos sibakin ang San Miguel, 96-85 sa kanilang quarterfinals showdown sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
PBA images

MANILA, Philippines — May tangan na ‘twice-to-beat’ incentive, hindi na nagpatumpik-tumpik ang mga Aces.

Tuluyan nang inangkin ng Alaska ang ikatlong semifinals berth matapos sibakin ang San Miguel, 96-85 sa kanilang quarterfinals showdown sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nauna nang ibinulsa ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Magnolia ang dalawang semis ticket para sa kanilang best-of-five semifinals series.

Lalabanan ng Aces ang mananalo sa quarterfinals duel ng Phoenix Fuel Masters, may hawak na ‘twice-to-beat’ advantage, at Meralco Bolts.

Sa unang laro, gamit ang 17-2 atake sa third period, pinatumba ng No. 7 Meralco ang No. 2 Phoenix, 90-74 para makapuwersa ng ‘do-or-die’ sa kanilang quarterfinals match.

Paglalabanan ng dalawang koponan ang semifinals berth bukas sa isang ‘winner-take-all’ game sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos maitabla ni import Eugene Phelps ang Fuel Masters, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, sa 43-43 ay naghulog ang Bolts, ang back-to-back runner-up sa Ginebra Gin Kings sa season-ending tournament, ng 17-2 bomba para iposte ang 15-point lead, 60-45  sa 4:41 minuto ng third quarter.

Sa fourh  period ay ilang beses nagtangkang lumapit ang Phoenix sa likod nina Phelps, Calvin Abueva at Matthew Wright, ang huli ay sa 68-78 agwat sa 4:56 minuto ng laro.

Ngunit sadyang determinado ang Meralco na makahirit ng tsansa sa best-of-five semifinals series at tinangay ang 88-72 bentahe matapos ang three-point play ni two-time PBA Best Import Allen Durham kay Phelps sa huling dalawang minuto ng labanan.

Samantala, opisyal nang hinirang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si NLEX mentor Yeng Guiao bilang head coach ng Team Pilipinas.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with