Jonel Carcuerva
Go For Gold cyclists angat sa Tour de Linggarjati
FCagape (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasikwat ni Jonel Carcuerva ang men’s elite crown habang nagwagi naman si Rex Luis Krog sa juniors division ng Tour de Linggarjati na ginanap sa West Java, Indonesia.

Sinandalan ng 24-an­yos na si Carcuerva ang second place finish sa road race at third place sa 9.8-kilometro individual time trial upang makopo ang titulo sa general classification.

Pumapangalawa naman si Matej Drivonec  ng Slovenia sa General Classification matapos pa­ngunahan ang 119.60-kilometer road race habang si Robert Muller ng Germany ay tumapos sa ikatlong puwesto sa CG overall.

“I’m  very proud of our team. Even though we are still a young squad and have plenty of things to improve on, they have proven  that Filipino cyclists can win in big races overseas,’’ sabi ni  Go For  Gold Philippines godfather Jeremy  Go.

Ang ibang siklista ng Go  For Gold na sina Ronnilan Quita ay pang-apat sa overall at pangpito si  Ismael Grospe habang pang-13th naman si Ronnel Hualda (13th). Si Jericho Jay Lucero (16th) at Elmer Navarro ay pang-18th overall.

 Dinomina naman ng 18-anyos na si  Krog ang  junior division sa tatlong araw na international bikathon.

GO FOR GOLD PHILIPPINES JONEL CARCUERVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with