Rockets binigo ang home debut ni Lebron

Pinilit ni LeBron James ng Lakers na awatin ang kaibigang si Chris Paul ng Rockets sa pakikipagsuntukan kay Rajon Rondo sa huling apat na minuto ng fourth period.

3 players napatalsik sa laro dahil sa rambol

LOS ANGELES -- Umiskor si LeBron James ng 24 points para sa Lakers sa kanyang magulong home debut kung saan tatlong players ang napatalsik dahil sa suntukan sa dulo ng fourth quarter sa 124-115 panalo ng bisitang Houston Rockets.

Sinibak sa laro si Chris Paul ng Houston at sina Brandon Ingram at Rajon Rondo ng Los Angeles sa huling 4:13 minuto ng fourth period na isa sa mga serye ng komprontas­yon sa na­ging pangit na pagsalubong ng mga fans ng Lakers para sa unang home game ni James.

Dikit ang laro hanggang matawagan ng foul si Ingram sa kanyang pagdepensa kay James Harden, tumapos na may 36 points.

Itinulak ni Ingram si Harden at kinompronta si referee Jason Phillips matapos ang kanyang technical foul.

Sa sumunod na sandali ay dinuro naman ni Paul sa mukha si Rondo na gumanti ng suntok sa Rockets point guard.

Nagpakawala ng suntok si Ingram habang nagkakagulo ay inilayo naman ni James ang kaibigang si Paul sa pakikipagrambulan kay Rondo.

Sa pagbabalik ng ak­syon ay tumipa si Har­den ng isang three-pointer para ibigay sa Rockets ang u­nang panalo sa season.

Nagtala rin si James ng 5 rebounds at 5 assists, habang kumolekta si JaVale McGee ng 16 points at 6 rebounds sa kanyang Lakers home debut.

Nagdagdag si Rondo ng 13 points at 10 assists bago napatalsik sa laro.

Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana Pacers ang Brooklyn Nets, 132-112 at binigo ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 117-113.

Show comments