^

PSN Palaro

Tacloban tinakasan ang Pocari

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tacloban tinakasan ang Pocari
Bumandera sa matikas na ratsada ng Figh­ting Warays sina Dimdim Pacres at Jovielyn Prado na siyang humataw ng mga importanteng puntos sa mga krusyal na sandali para kubrahin ng kanilang tropa ang ikatlong panalo sa pitong pagsalang.
Joey Mendoza/File

Laro Ngayon(Baliwag Star Arena)

4pm Pocari-Air Force vs BanKo

6pm Ateneo vs Creamline

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Tac­loban Fighting Warays ang three-time champion Pocari-Air Force sa ben­disyon ng pukpukang 18-25, 25-20, 25-22, 20-25, 15-9 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera sa matikas na ratsada ng Figh­ting Warays sina Dimdim Pacres at Jovielyn Prado na siyang humataw ng mga importanteng puntos sa mga krusyal na sandali para kubrahin ng kanilang tropa ang ikatlong panalo sa pitong pagsalang.

Ibinaon ng University of Santo Tomas standout na si  Pacres ang 21 puntos mula sa 18 attacks kabilang ang game-winning off-the-block hit at tatlong blocks para pamunuan ang opensa at depensa ng Tacloban.

Malaki ang kontribus­yon nina outside hitter Heather Guino-o at dating NCAA MVP Shola Alvarez gayundin si playmaker Kyle Negrito na siyang nagmando sa opensa ng Fighting Warays.

Solido rin ang net defense ng Tacloban upang pigilan ang pagbulusok ng Pocari-Air Force partikular na sina dating MVP Myla Pablo at middle hitter Del Palomata.

Malaking balakid pa sa hanay ng Lady Warriors ang ilang krusyal na errors sa attack line gayundin sa service area na lubos na nagpahirap sa kanila para umarangkada.

Nahulog ang Lady Warriors sa 3-3 baraha.

Samantala, magpapa­tuloy ang bakbakan nga­yong araw sa Baliwag Star Arena sa Bulacan kung saan pakay ng Pocari-Air Force na makaresbak sa pagharap nito sa BanKo Perlas sa alas-4 ng hapon.

Inaabangan na rin ang salpukan ng dalawang crowd-favorite na teams – ang Ateneo de Manila University at Creamline Cool Smashers na magtutuos sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2 OPEN CONFE­RENCE

TAC­LOBAN FIGHTING WARAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with