^

PSN Palaro

Kawhi maningning ang debut sa Raptors

Pilipino Star Ngayon
Kawhi maningning ang debut sa Raptors
Nagdagdag si Fred VanVleet ng 14 points kasunod ang 13 at 11 markers nina Pascal Siakam at Danny Green, ayon sa pagkakasunod, para sa ikaanim na sunod na panalo ng Toronto sa kanilang season opener at bigyan si Nick Nurse ng panalo sa kanyang unang laro bilang head coach.
AFP

TORONTO — Kaagad kumamada si Kawhi Leonard ng 24 points at team-high 13 rebounds sa kanyang Raptors debut habang umiskor si guard Kyle Lowry ng 27 points para talunin ang Cleveland Cavaliers, 116-104  sa kanilang season-opener.

Nagdagdag si Fred VanVleet ng 14 points kasunod ang 13 at 11 markers nina Pascal Siakam at Danny Green, ayon sa pagkakasunod, para sa ikaanim na sunod na panalo ng Toronto sa kanilang season opener at bigyan si Nick Nurse ng panalo sa kanyang unang laro bilang head coach.

Tumipa naman si Kevin Love ng 21 points at naglista si Cedi Osman ng 17 points at 10 rebounds sa panig ng Cleveland.

Sinibak ng Cavaliers ang Raptors sa playoffs ng nakaraang tatlong seasons.

Ngunit nahaharap sila sa matinding hamon dahil sa paglipat ni dating star LeBron James sa Los Angeles Lakers.

Naglaro si Leonard sa loob ng 37 minuto para sa una niyang competitive game sapul noong Enero sa tropa ng San Antonio Spurs.

Nalimitahan ang two-time NBA Defensive Player of the Year sa siyam na laro sa nakaraang season bunga ng quadriceps injury.

Nakuha ng Raptors si Leonard mula sa Spurs noong Hulyo sa isang blockbuster na nagdala rin kay four-time All-Star DeMar DeRozan sa San Antonio.

Sa Charlotte, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 25 points, 18 rebounds at 8 assists at diniskaril ng Milwaukee Bucks ang pagdiriwang ng Hornets sa kanilang ika-30 taon sa pamamagitan ng 113-112 panalo.

Sa iba pang laro, tinakasan ng Detroit Pistons ang Brooklyn Nets, 103-100; tinalo ng Indiana Pacers ang Memphis Grizzlies, 111-83; pinatumba ng New Orleans ang Houston Rockets, 131-112 at  dinaig ng San Antonio Spurs ang Minnesota Timberwolves, 112-108.

vuukle comment

KAWHI LEONARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with