Nailusot ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks ang kanyang dunk laban kay Robin Lopez ng Bulls sa pre-season game ng NBA.
Pistons, Bucks nagposte ng panalo
(Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2018 - 12:00am

OKLAHOMA CITY— Humakot si center Andre Drummond ng 31 points at 16 rebounds para tulungan ang Detroit Pistons sa 97-91 panalo kontra sa Thunder sa kanilang preseason game.

Kinumpleto ni Drummond ang kanyang three-point play para sa 94-91 abante ng Detroit sa huling 1:37 minuto ng fourth period kasunod ang tres ni Ish Smith sa natitirang 17 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Nagsalansan naman si guard Dennis Schroder ng 21 points at 9 assists, samantalang nag-ambag si Steven Adams ng 17 points para sa Thunder.

Sa Milwaukee, nagpakita si Giannis Anteto­kounmpo at ang Bucks ng magandang opening-night performance sa kanilang bagong arena.

Nagposte si Anteto­kounmpo ng 19 points, 13 rebounds at 5 assists para pamunuan ang Milwaukee sa 116-82 paggiba sa Chicago Bulls sa Fiserv Forum.

Umiskor ang Bucks ni bagong coach Mike Budenholzer ng 63 points sa first half sa kanilang preseason opener at naglista ng 34-point lead laban sa Bulls.

Nagdagdag si Eric Bledsoe ng 16 points habang may 15 at 12 markers sina Khris Middleton at Pat Connaughton, ayon sa pagkakasunod, para sa Bucks.

Pinamunuan ni Bobby Portis ang Chicago sa kanyang 17 points.

Sa Brooklyn, umiskor si rookie Allonzo Trier ng 25 points at nagtala si Enes Kanter ng 22 points at 20 rebounds para banderahan ang New York Knicks sa 107-102 panalo laban sa Nets.

DETROIT PISTONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with