Pacquiao-Mayweather 2 matutuloy — Espinoza

Ayon kay Showtime executive Stephen Espinoza, seryoso si Mayweather sa kanilang ikalawang pagkikita ni Pacquiao matapos ang nangyaring mega showdown nila noong Mayo ng 2015.
ESPN

MANILA, Philippines — Bagama’t wala pang opisyal na pahayag sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. para sa kanilang rematch, isang opisyal naman ng Showtime ang nagkumpirmang mapaplantsa ito.

Ayon kay Showtime executive Stephen Espinoza, seryoso si Mayweather sa kanilang ikalawang pagkikita ni Pacquiao matapos ang nangyaring mega showdown nila noong Mayo ng 2015.

Binigo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight na nagposte ng record na 4.6 million pay-per-view buys at higit sa $600 mil­yong kita.

Nakausap na ni Espinoza ang kampo ng 41-anyos na si Mayweather para sa rematch sa 39-anyos na si Pacquiao na inaasahang mangyayari sa susunod na taon.

“I think Floyd is very serious,” wika ni Espinoza sa panayam ng Bo­xing­Scene.com. 

Sa isang isang music festival sa Tokyo, Japan noong nakaraang buwan ay nagkita sina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0, 27 KOs) at napag-usapan nila ang rematch.

Show comments