^

PSN Palaro

PSC, WFP ‘di pababayaan ang pamilya ni Daraliay

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
PSC, WFP âdi pababayaan ang pamilya ni Daraliay
Sa double deck na ito nahulog at namatay ang national player na si Rastafari Daraliay nitong Sabado habang nagpapaliwanag naman si PSC chariman William Ramirez kasama si wushu president Julian Camacho (ibabang larawan)

MANILA, Philippines — Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission at ng Wushu Fe­deration Philippines ang pamilya ng pumanaw na si national junior training pool member Rastafari Daraliay.

Ito ang kapwa tiniyak nina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at WFP secretary-general Julian Camacho kahapon.

Namatay ang 11-anyos na si Daraliay noong Sabado ng umaga matapos mahulog mula sa double deck kung saan siya nakahiga sa itaas sa training at bille­ting quarters ng WFP sa fifth floor ng Sports Medicine building sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Malate.

“It was an accident. But now we’re in a compelling position to have our facilities rehabilitated. We need to answer the call of the athletes,” wika ni Ramirez.

Si Daraliay, nakababatang kapatid ni national team member Zion, ay gold medalist sa nakaraang 2018 Batang Pinoy National Finals sa Baguio City.

Alas-3 ng madaling araw nang mahulog si Daraliay sa kanyang kama at narinig ng kanyang mga kapwa training pool members ang malakas niyang pagkakabagsak sa sementadong sahig.

“Tinanong siya ng mga kasama niya kung okay lang siya, okay naman daw at pinatabi ng isang mas matandang athlete sa kama niya sa ilalim,” kuwento ni Camacho. 

Gumising na ang kanyang mga kasama at ta­nging si Daraliay na lamang ang naiwan sa kuwarto.

“Nagtaka sila kasi hindi sumasagot at nang iniharap siya bumubula na ang bibig niya,” ani pa ni Camacho.

Kaagad isinugod si Daraliay sa Adventist Medical Center kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with