^

PSN Palaro

Top seeding sa F4 nakataya sa Tigresses, Lady Falcons

Pilipino Star Ngayon
Top seeding sa F4 nakataya  sa Tigresses, Lady Falcons
Nakataya ang top see­ding sa semis sa salpukan ng Tigresses at Lady Falcons sa alas-2.
https://www.facebook.com/goldentigressesupdate

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding pukpukan sa pagitan ng nangungunang University of Santo Tomas at Adamson University sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakataya ang top see­ding sa semis sa salpukan ng Tigresses at Lady Falcons sa alas-2.

Parehong wala pang talo ang Tigresses at Lady Falcons.

 Namamayagpag ang UST sa unahan ng stan­dings hawak ang malinis na 5-0 baraha.

 At malaking dahilan nito sina high school standout Eya Laure, Filipino-Italian Milena Alessandrini at team captain Tin Francisco na pangunahing pinagkukunan ng puntos ng Tigresses.

 Ngunit tiyak na mapapalaban ang Tigresses dahil mataas din ang moral ng Lady Falcons na nagtataglay ng imakuladang 4-0 para kapitan ang No. 2 position.

 Mamanduhan ang Adamson ni Eli Soyud na kasalukuyang top scorer sa liga matapos makalikom ng 79 kabuuang puntos sa apat na pagsalang.

Sa kabilang banda, nakatakda ang duwelo ng Far Eastern University at University of the Philippines sa alas-4.

 Sa men’s division, magpapang-abot ang National University at Adamson sa alas-9 ng umaga gayundin ang FEU at San Beda University sa alas-11 at ang College of Saint Benilde at De La Salle University sa alas-6 ng gabi. (CCo)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with