^

PSN Palaro

Unang gold ng Pinas mula kay Caminong

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Unang gold ng Pinas mula kay Caminong
Ibinigay ni Evangelene Caminong ang unang ginto ng Pilipinas sa ASEAN School Games.

2018 Asean School Games

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Evangelene Caminong ang u­nang gintong medalya ng Team Philippines matapos magwagi sa girl’s high jump sa 2018 ASEAN School Games  sa Mini  Stadium ng Bukit Jalil, Kuala Lumpur,  Malaysia.

Hindi inaasahan ng 17-anyos na si Caminong ang naitalang 1.74 metro sa nasabing high jump event para ilampaso ang mga paboritong sina Prangthip Chitkhokkruad ng Thailand (1.72m) at kababatang si Alexie Mae Caimoso (1.69m).

Sa kanyang panalo, nalampasan ni Caminong ang personal best na 1.71 meters at naiganti ang kanyang pagkatalo kay Caimoso sa girls secondary sa nakalipas na 2018 Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.

“Hindi po ako makapaniwala. Sobrang saya ko po,” pahayag ni Caminong.

Para kay Caminong, sapat na ang makasama siya sa Ph­ilippine team at ang gold medal finish ay bonus na lamang.

“At first, I wasn't pressured to win. But I don't know as the competition came I felt it was my obligation to do my best,” dagdag ni Caminong na isang Grade 12 estudyante sa Nazareth School of National University.

Dahil sa panalo, ma­lakas ang tiwala ni Caminong sa magandang performance sa 100-m hurdles na lalaruin bukas.

Sa iba pang events ng athletics, nakuha naman ni Riza Mae Valiente ang silver medal sa 400m girls event (61.51-sec) habang si Camila Tubiano ay nag-bronze medal sa girls 3,000-meter run (10:49.30-sec).

Nagwagi rin ang Philippine national girls basketball team laban sa Indonesia, 91-84 para sa magandang simula sa girls basketball event na ginanap sa Gem sa Mall, Cyberjaya.

Sa pangunguna  ng Chiang Kai Shek High School girls under-18 team, humarurot agad ang Pinay team at hindi na lumingon pa hanggang matapos ang laro.

Umiskor ang beterano sa Palarong Pambansa na si Kent Jane Pastrana ng 25 puntos para sa Chiang Kai Shek team na kumatawan sa bansa bilang kampeon sa 2018 Pala­rong Pambansa.

Sa volleyball sa Majlis Bandaraya Shah Alam, nabigo naman ang Philippine volleybelles sa Indonesia sa straight sets, 25-19, 25-16, 25-9. 

Kabilang sa mga opis­yal na nag-cheer sa de­legasyon sina Education Undersecretary Tonisito Umali at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond Maxey.

vuukle comment

2018 ASEAN SCHOOL GAMES

EVANGELENE CAMINONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with