Folayang tiwalang matatalo ang Russian foe

Si Eduard Folayang (red) sa huli niyang laban

MANILA, Philippines — Malakas pa rin ang tiwala ni Eduard Folayang na magwagi laban sa baguhang si Aziz Pahrudinov ng Russia sa undercard ng One: Reign of Kings sa Biyernes (Hulyo 27) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos na muling makuha ang top lightweight ranking,  sasabak ulit ang 34-anyos na si Folayang para magkaroon ng pagkakataon na lumaban muli sa titulo.

Matatandaang nabigo si Folayang sa kanyang pag-depensa sa titulo makaraang matalo kay Martin Nguyen noong nakaraang taon sa MOA Arena rin.

“The last time that I was in Manila, I let everyone down with my  performance. It has haunted me ever since. Come this fight,  I am coming back for redemption. I am going to war and win  it,” sabi ng Baguio City-native na si Folayang.

Ngunit, malawak na rin ang karanasan ng Russian na si Pahrudinov sa kanyang 20 panalo, 13 nito via submission at anim mula sa knockouts.

“This is going to be a good, exciting fight, and I am excited. I will do my best to keep every advantage and win. He does not  have many weaknesses, but I would like to test his striking.  Let’s see if he can keep up with me on the feet,” dagdag ni Folayang.

Tiniyak din ni Folayang na malaki ang maitutulong sa kanyang familiarity ang  istilo ng mga Russian.

Show comments