4 teams pukpukan para sa Finals slot

Paborito pa rin ang Car­go Movers na magwagi kontra sa HD Spi­kers sa alas-6 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Petron Blaze Spikers at Smart-Army Giga Hitters sa alas-4 ng hapon.

MANILA, Philippines —  Inaasahan ang ma­gandang laban sa paghaharap  ng nagdedepensang Cignal HD at F2 Logistics habang magtatagpo naman ang Petron Blaze at Smart-Army sa knockout semifinals ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Superliga Invitational Conference  sa Muntinlupa City Sports Center.

Paborito pa rin ang Car­go Movers na magwagi kontra sa HD Spi­kers sa alas-6 ng hapon pagkatapos ng sagupaan  ng  Petron Blaze Spikers at Smart-Army Giga Hitters sa alas-4 ng hapon.

Sa iba pang laro, paga-agawan naman ng Sta. Lucia at Generika-Ayala ang pang-limang puwesto sa alas-2 ng hapon.

Kapwa dumiretso ang HD Spikers at Blaze Spi­kers sa semis matapos pagharian ang kanilang magkahiwalay na grupo.

Show comments