Beermen tatapusin na ang Aces

Hawak ang 2-0 bentahe, pipilitin ng nagdedepensang San Miguel na tuluyan nang tapusin ang kanilang best-of-five semifinals series ng Alaska patungo sa record na ika-40 PBA Finals stint.

Laro Ngayon(Ynares Center, Antipolo City)

7 p.m. Alaska vs SMB

MANILA, Philippines — Ayaw na ng mga Beermen na bigyan ng tsansang makabangon ang mga Aces.

Hawak ang 2-0 bentahe, pipilitin ng nagdedepensang San Miguel na tuluyan nang tapusin ang kanilang best-of-five semifinals series ng Alaska patungo sa record na ika-40 PBA Finals stint.

“Gusto na namin itong tapusin ngayon,” ani four-time MVP June Mar  Fajardo sa pagsagupa ng Beermen laban sa Aces ngayong alas-7 ng gabi sa Game Three ng kanilang semis duel sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inangkin ng San Miguel ang Game One, 92-79 at Game Two, 105-94 para ilista ang 2-0 lead  sa Alaska sa kanilang serye.

“We’re not thinking of the championship dahil kung para sa amin, darating ‘yan eh,” sabi ni Beermen head coach Leo Austria, muling aasa kina Fajardo, import Renaldo Balkman, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross katapat sina reinforcement Diamon Simpson, Vic Manuel, JVee Casio, Simon Enciso, Sonny Thoss, Kevin Racal at rookie guard Jeron Teng ng Aces.

Ito ang ikatlong pagkakataon na sisibakin ng San Miguel ang Alaska sa isang serye.

Winalis ng Beermen ang Aces, 4-0 para kunin ang korona ng 2015 PBA Governors Cup bago gumawa ng kasaysayan nang rumesbak mula sa 0-3 pagkakabaon para maghari noong 2016 PBA Philippine Cup Finals.  

Show comments