^

PSN Palaro

Pacman maraming isinakripisyo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacman maraming isinakripisyo
Kitang-kita ito nang itarak ng Pinoy boxing sensation ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina para maagaw ang World Boxing Association welterweight belt.
AFP photo

Para matalo si Matthysse

MANILA, Philippines — Nagbalik ang mababangis na mata ni Manny Pacquiao gayundin ang pamatay na suntok nito.

Kitang-kita ito nang itarak ng Pinoy boxing sensation ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina para maagaw ang World Boxing Association welterweight belt.

Subalit hindi biro ang pinagdaanan ni Pacquiao para maibalik ang angas nito.

Maraming isinakripisyo si Pacquiao.

Tinukoy nito ang kanyang preparasyon kay Matthysse bilang isa sa pinakamahirap na training camp na pinagdaanan nito sa kanyang career.

Ngunit hindi matatawaran ang dedikasyon ni Pacquiao para maibalik ang bangis ng kanyang kamao.

“Nung in-announce pa lang yung laban namin ni Matthysse, sinabi ko na sa sarili ko na kailangan kong maging seryoso sa training,” wika ni Pacquiao.

Maraming bagay ang isinantabi ng Pambansang Kamao.

Dati, nakakapaglaro pa si Pacquiao ng basketball at nakakapagpuyat dahil sa paglalaro ng chess sa gabi.

Umiwas din ito sa pag­lalaro ng billiards at darts.

Mga bagay na tinukoy ng Team Pacquiao bilang distractions sa kanyang training camp.

“Yun talaga ang pinakamahirap na training camp namin. Marami akong isinakripisyo na ginagawa ko dati na hindi ko ginawa sa training camp namin this time. Sinunod ko lahat ng restrictions,” ani Pacquiao.

At masaya si Pacquiao sa naging resulta.

Kaya naman saludo ito sa ginawa ng Team Pacquiao sa pangunguna nina Buboy Fernandez at Australian strength and conditio­ning expert Justin Fortune.

Kasama rin sa grupo sina Nonoy Neri, Roger Fernandez at Ting Ariosa.

“It’s (camp) one of the best camps we had. Na-cover namin lahat ng aspects two weeks before the fight. Nakagawa kami ng game plan at na-execute ng maayos during the fight,” ani Pacquiao.

Magandang panalo rin ito para kay Fernandez na pinagdudahan ang kan­yang kakayahan na ha­wakan ang traning ni Pacquiao matapos mawala si American trainer Freddie Roach.

Related video:

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with