^

PSN Palaro

Pamatay na kamao ni Pacman nagbalik na

Pilipino Star Ngayon
Pamatay na kamao  ni Pacman nagbalik na
Kitang-kita ito nang paulanan ng Pinoy boxing sensation ng matatalim na suntok si Lucas Matthysse para maitala ang seventh-round technical knockout win kahapon at matamis na masungkit ang World Boxing Association welterweight belt sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MANILA, Philippines — Tunay na nagbalik na ang angas ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Kitang-kita ito nang paulanan ng Pinoy boxing sensation ng matatalim na suntok si Lucas Matthysse para maitala ang seventh-round technical knockout win kahapon at matamis na masungkit ang World Boxing Association welterweight belt sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Base sa naitalang re­kord ng CompuBox, nag­latag si Pacquiao ng 344 kabuuang suntok kung saan 95 dito ang tumama kay Matthysse.

May 79 naikonekta si Pacquiao mula sa tinatawag na ‘power-punch’ - na pamatay na suntok ni Pacquiao na kinatatakutan ng kanyang mga karibal.

Malayo ito sa nailista ng Argentinian pug na may naibatong 246 suntok – 57 lamang dito ang kumunekta kung saan 36 power punches lamang ang nakuha ni Matthysse.

Gamit ang naturang suntok, napabagsak ni Pacquiao si Matthysse ng tatlong beses. Isa sa third round na sinundan ng isa pa sa fifth round bago tulu­yang pasukuin si Matthysse sa seventh round.

 Ito ang ika-39 KO win ni Pacquiao sa kanyang kabuuang 69 laban sa kanyang karera. (CCo)

Related video:

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with