Blazers gustong mag-No. 1

MANILA, Philippines — Pakay ng College of Saint Benilde na makuha ang top seeding sa Group B sa pagsagupa nito sa San Sebastian College sa huling araw ng eliminasyon ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Bla­zers at Stags sa alas-4:30 ng hapon habang titipanin ng reigning champion San Beda University ang EAC sa alas-2:15.

Nakatakda rin ang bakbakan ng Arellano University at University of Santo Tomas sa alas-12:30 ng tanghali gayundin ang laban ng Adamson University at Lyceum of the Philippines sa alas-6:30 ng gabi.

Nasa unahan ng Group A ang Benilde hawak ang 6-1 baraha.

At kung maipapanalo nito ang laro kontra San Sebastian, makukuha nila ang No. 1 seed sa kanilang grupo sa pagpasok ng quarterfinal round.

Nasa ikalawa naman ang Far Eastern University (6-2) kasunod ang Adamson (5-2) at Colegio de San Juan de Letran (5-3).

Sa Group A, na-sweep ng UAAP champion A­te­neo ang nine-game elimination round. (CCo)

Show comments