^

PSN Palaro

Rockets puro na

Pilipino Star Ngayon
Rockets puro na
Inagawan ng bola ni Eric Gordon ng R­ockets ang natumbang si Draymond Green ng Warriors.

HOUSTON-- Inilapit ng Rockets ang kanilang sarili para sa NBA Finals ticket.

Umiskor si guard Eric Gordon ng 24 points mula sa bench at inagaw ang huling posesyon ng Golden State para selyuhan ang 98-94 panalo ng Houston sa Game Five ng Western Conference finals.

Nagdagdag si Chris Paul ng 20 points  habang tumapos  si James Harden sa 19 markers para sa 3-2 abante ng Rockets sa kanilang best-of-seven series ng Warriors.

Hindi natapos ni Paul ang huling minuto ng fourth period bunga ng hamstring injury.

May tsansa ang Houston na sibakin ang defen­ding champions na Golden State para makapasok sa kanilang unang NBA Finals matapos ang back-to-back titles noong 1994-95.

Pinangunahan naman ni Kevin Durant ang Warriors mula sa kanyang 29 points.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Golden State, natalo sa Game Four sa kanilang balwarte, sa playoff series matapos noong 2015.

Nagsalpak si Draymond Green ng three-pointer sa huling minuto ng fourth quarter para idikit ang Warriors sa one-point deficit kasunod ang mintis na triple ni Harden, nagtala ng 0-for-11 sa 3-point line, sa panig ng Rockets sa natitirang 30 segundo.

Hindi naman naipasok ni Stephen Curry ang kanyang floater sa posesyon ng Golden State at hinablot ni Trevor Ariza ang rebound sa huling 10 segundo na nagresulta sa kanyang split para sa two-point lead ng Houston.

Ngunit naagaw ni Gordon ang bola matapos mawalan ng kontrol si Green para sa kanyang dalawang free throws sa huling  2.4 segundo na sumelyo sa panalo ng Rockets.

vuukle comment

HOUSTON

NBA FINALS

ROCKETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with