^

PSN Palaro

Rondina, Pons nagpakilala agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailusot ng Petron XCS ang pukpukang 19-21, 21-14, 15-8 panalo laban sa Generika-Ayala A para matikas na simulan ang kanilang pagdepensa sa kampeonato sa Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa Sands By the Bay sa Mall of Asia.

Hindi agad nawalan ng pag-asa sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons matapos ang mabagal na simula kung saan matikas na rumatsada ang Petron spikers upang harangin sina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Lifesavers.

Sumulong ang Petron sa 1-0 rekord sa Pool A.

“We haven’t trained in this venue, so we had some troubles moving on the sand,” wika ni Rondina na naglaro muna sa UAAP at FIVB World Tour bago simulan ang pagsasanay kasama si Pons.

Haharapin nina Rondina at Pons sa kanilang susunod na laro sina Danika Gendrauli at Nerissa Bautista ng Cocolife A.

Maganda rin ang simula nina Mylene Paat at Rap Aguilar ng Cignal A nang gapiin nito sina Bang Pineda at Sheeka Espinosa ng Generika-Ayala B, 21-19, 5-21, 16-14  para manguna sa Pool B.

Sa men’s division, nanaig ang Sands sa University of Santo Tomas, 21-15, 21-17 at  Foton, 21-19, 21-15  para sa mainit na 2-0 panimula sa Pool  A.

Rumesbak ang Foton nang pataubin nito ang Cocolife, 21-5, 21-7 tungo sa 1-1 baraha.

Sa Pool B, nanalo ang Cignal sa TVM, 16-21, 21-14, 15-9, wagi ang Smart sa Navy, 21-19, 14-21, 15-10 at ginapi ng TVM ang Navy, 21-17, 21-18.

vuukle comment

PSL BEACH VOLLEYBALL CHALLENGE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with