^

PSN Palaro

PayMaya hinataw ang Iriga sa Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Batangas)

2pm Petro Gazz vs BanKo

4pm Pocari vs Creamline

MANILA, Philippines — Napigilan ng PayMaya ang hamon ng Iriga-Navy, 25-23, 22-25, 25-20, 25-23 upang umabante sa unahan ng standings ng 2018 Premier Volleyball League Reinforced Confe­rence kahapon sa Batangas City Sports Coliseum sa Batangas.

Mainit pa rin ang palad ni import Tess Rountree matapos pumalo ng 20 attacks, dalawang blocks at dalawang aces kasama pa ang 24 receptions at siyam na digs para pamunuan ang High Flyers na makuha ang ikatlong panalo sa apat na laro at okupahan ang liderato.

Nakakuha si Rountree ng sapat na tulong mula sa local players gaya nina Aiko Urdas, Jerrili Malaban at kina Jasmine Nabor at libero Lizlee Pantone.

Nakaporma na sana ang Lady Oragons sa tangkang maipuwersa ang fifth set nang kunin nito ang 21-16 kalamangan sa ikaapat na kanto sa likod nina imports Macy Ubben at Lauren Whyte.

Ngunit naglunsad ng matinding atake ang High Flyers matapos pamunuan nina Rountree, three-time NCAA MVP Gretchel Soltones at Shelby Sullivan ang 7-1 run ng tropa para maagaw ang 23-22 lead  tungo sa panalo.

vuukle comment

2018 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFE­RENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with