Lyceum tinambakan ang JRU

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ng pambuenamanong panalo ang Lyceum of the Philippines University matapos pa­sabugan ang Jose Rizal University  ng  90-69 bom­ba kahapon sa 2018 FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan City.

Hindi naging hadlang ang pagkawala ng dalawang matitikas na manlalaro dahil nasandalan ng Pirates ang mga baguhang miyembro ng tropa para makuha ang panalo.

Nagtala sina recruits Casper Pericas at Yancy Remulla ng pinagsamang 31 puntos para pamunuan ang ratsada ng Lyceum habang kumana naman sina wingman Spencer Pretta ng 11 markers at Jerwyn Guinto ng 10 points.

“Medyo na-surprise kami sa ipinakita ng mga players. Sabi ko sa kanila na it’s their time to shine and they responded well,” wika ni Pirates assistant coach Jeff Perlas.

Hindi naglaro sina CJ Perez, Mike Nzeusseu, Jesper Ayaay at ang Marcelino twins upang makapagpahinga.

Galing ang mga ito sa laro ng Zark's Burger's sa PBA D-League Aspirants' Cup finals noong Huwebes.

“Kailangan naming i-manage yung time ng mga players dahil yung iba naglalaro pa sa D-League, mas pisikalan ang laro roon,” ani Perlas.

Nanguna para sa Heavy Bombers si Jarvy Ramos na naglista ng 12 puntos habang nagsumite naman sina Jed Mendoza at Stefan Steinl ng tig-siyam na puntos. 

JOSE RIZAL UNIVERSITY LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with